
Balak tumakbong muli ni Noli de Castro bilang senador sa 2022 national elections sa Mayo. Ang siste, tatakbo siya sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na ‘Aksyon Demokratiko’. Ito ang kinumpirma ni Dr. Cesar Chavez, chief of staff ng alkalde.
Ayon pa sa sitsit, may go-signal daw ng ABS-CBN ang kandidatura ni ‘Kabayan’. Na dati nang nahalal na senador noong 2001 at Vice President noong 2004.
Pero, ang nakagugulat, baka galamay daw ni Pangulong Duterte si ‘Kabayan’ dahil may anak daw itong nagtratrabaho sa gobyerno.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON