OPTIMISTIKO ang pamunuan ng National Muaythai Kick Boxing Council na mas magiging matagumpay ang kaunlaran ng combat sports kung maipaliliwanag ng maaga sa mga Pinoy partikular sa mga magulang ang buting maidudulot sa karakter at katauhan ng kabataan.
Ayon kay NMKBCP founding president aster Emmanuel “The Animal” Sabrine, tulad ng boxing at iba pang combat sports, ang muay ay sports na nagsusulong din ng dispilina upang mahubog ng tama ang karakter ng kabataan.
“Tulad ng ibang contact sports, hindi lamang tungkol sa self-defense ang layunin namin sa NMKBCP. Hinuhubog namin ang disiplina at kaisipan ng atleta upang maging isang huwarang mamamayan. Kaya marapat lamang na maaga pa lang maituro na sa mga magulang ang kabutihan ng kanilanbg mga anak sa sandaling pumasok sila sa sports tulad ng muay,” pahayag ni Sabrine sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.
Aniya. ang NMKBCP ay nagsasagawa ng mga regular na pagsasanay at torneo para sa mga praktisyoner ng Muay Thai, Kickboxing, Boxing, at MMA, sa iba’t-ibang rehiyon at lalawigan, at kalakhang Maynila upang maituro ng tama ang naturang sports.
Kabilang sa inorganisa ng grupo ang Ultimate Strikers Championship (USC) mula pa noong 2007 sa Las Pinas.
Ilan sa mga nakalahok sa USC ay nabigyan ng mga pagkakataon na makangat at makalaro ban sa mga kilalang propesyonal na liga ng Martial Arts dito sa bansa at maging sa mga kompetisyong international .
“Bago umakyat sa ONE FC si Denice Zamboanga, naglalaro siya sa mga tournament naming,” ayon kay Sabrine sa lingguhang sports forum sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Pagcor at Behrouz Restaurant.
Kasama ni Sabrine sa forum ang dalawa pang opisyal ng grupo na sina Victor Dela Riva at Michael Carabeo.
Ayon kay Dela Riva halos 5,000 muay practitioner mula sa mahigit 200 afficilaited gym at clubs ang nakikilahok sa programa ng NMKBCP, kabilang ng kanilang professional league na Warriors League Championship (WLC) na nakatakdang magsagawa ng final meet sa Nobyembre. “Malaking bagay ang awareness sa sports na tulad ng muay na hindi masyadong popular sa bansa natin. Ito ang aming hangarin ay mapaunlad ang muay at mailapit sa masa at sa posibleng sponsors ang muay,” sambit ni Dela Riva.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA