January 24, 2025

KABABAIHAN SA KANAYUNAN, KINALAMPAG ANG DAR

Ryan San Juan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Rural Women’s Day, nagtipon-tipon ang Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan (PKKK) at iba pang rural women’s rights advocates sa harap ng DAR upang ilantad ang realidad na kinakaharap nila araw-araw.

Gamit ang sikat na kanta na “Salamin salamin,” nanawagan sila sa gobyerno na harapin at gumawa ng aksyon sa matagal nang isyu ng mga kababaihan sa kanayunan.

Kabilang na rito ang kahirapan at kagutuman dahil sa kakulangan ng suporta sa local na produksyon, pangangamkam ng lupa na nagresulta sa pagpapalayas sa mga pamilya na nasa kanayunan at patuloy na kawalan ng lupain, pamamaslang sa women human rights defenders, pagsira sa kapaligiran dahil sa extractive industries dulot ng mining at energy projects.