MALAKI ang pakinabang ng mga kababaihan sa digitalization, lalo na pagdating sa edukasyon, trabaho, negosyo at access sa healthcare, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa kanyang talumpati sa Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran (SPARK) Philippines’ “Women Forging the Digital Future” event noong Marso 15, hinimok ng alkalde ang kababaihan na samantalahin ang mga benepisyo ng digitalization (paggamit ng teknolohiya o internet. sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo) sa kanilang mga karera at kabuhayan.
Ayon sa alkalde, ang teknolohiya ay lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga kababaihan na lumahok sa workforce sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng work-from-home arrangement na nagbigay-daan sa kanila na makamit ang work-life balance.
Idinagdag niya na ang digital tools tulad ng mga platform ng e-commerce o e-wallet ay nagbibigay-daan din sa mga babaeng negosyante na maabot ang isang mas malawak na merkado, at makakuha ng kalayaan sa pananalapi, kontrol, at kapangyarihan.
Sinabi ng alkalde na nasa 1,261 1,261 women-owned small and medium enterprises ang nakatanggap ng e-commerce at digital packages sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaang lungsod tulad ng “Tindahan ni Ate Joy” na nagbibigay ng livelihood assistance sa kababaihan, at ang POP QC bazaar.
Sinabi rin niya na ang digitalization ay maaaring makatulong sa mga kababaihan na ma-access ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, lalo na ang mga nakatira sa malalayong lugar o may mga isyu sa mobility.
Nitong COVID-19 pandemic, ginamit ng lokal na pamahalaan ang “BantAI COVID” artificial intelligence (AI) system upang subaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng libu-libong pasyente ng Covid-19 sa lungsod.
Bukod pa rito, nakatulong din ang telemedicine program ng lokal na pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng kababaihan na nakaranas ng mental health issues.
“Moving forward, governments and private organizations can work together to expand internet access in underserved areas. Access to digital devices such as computers and smartphones are all necessary to democratize the benefits of digitalization. The affordability of these digital devices needs to be addressed,” saad ni Belmonte.
Sinabi ng pamahalaang lungsod na nag-install ito ng halos 4,000 access point sa higit sa 800 mga site sa lungsod na nagbibigay ng koneksyon sa internet na nagpapahintulot sa mga residente na makakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng mga online data source at makisali sa mga online na transaksyon.
“Digitalization has indeed made education more accessible to women around the world. We now have access to a wider range of courses and educational materials regardless of our location. We can learn new skills to help us advance in our careers,” ayon sa alkalde.
Hinikayat din niya ang mas maraming kababaihan na yakapin ang mga larangan ng Science, Technology, Engineering and Mathematic (STEM) dahil makakatulong ito na matanggal gender-based biases at stereotype at bigyan sila ng kapangyarihan sa digital space.
“More women in STEM will be active and critical in addressing the welfare of all women in the development of technology in the future,” ayon kay Belmonte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA