Kinokonsidera ni dating Sen. JV Ejercito na muling tumakbong senador sa 2022 elections dahil nais niyang ipagpatuloy ang nasimulan sa Senado.
Nagsilbi ang anak ni dating President Joseph Estrada bilang senador noong 2013 hanggang 2019. Tumakbo siya sa parehong posisyon noong 2019 election pero nabigo siya makapasok sa Top 12.
“[I] will run because of my advocacy and unfinished business, and if funds permitting,” saad ni Ejercito.
Noong siya ay isang senador, itinulak niya ang pagpasa ng iba’t ibang pangunahing batas kabilang ang Universal Healthcare Law at ang batas na lilikha sa Department of Human Settlements.
Nais ni Ejercito na tumakbong muli bilang senador sa pagkakatong ito upang pangasiwaan ang pagpapatupad ng batas na kanyang inisponsor.
Bagama’t hindi pa pinal kaugnay sa kanyang desisyon na bumalik sa politika, sinabi ni Ejercito na nais niyang muling tumakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition, na pinamumunuan ni Senate President Vicente Sotto III.
Sambit naman ni Sotto sa mga reporter, bukod kay Ejercito, inaasahan din na tatakbo sa parehong posisyon ang mga senador na sina Loren Legarda, Gringo Honasan at Chiz Escudero sa susunod na taon.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE