December 24, 2024

Justice para kay Christine Dacera at ang smuggled vaccine na itinurok sa PSG

Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Ginulantang tayo sa balita sa pagsisimula pa lang ng taong 2021. Nakikiramay tayo sa sinapit ng flight attendant na si Christine Dacera.

Si Christine ay nasawi sa noong New Year sa isang hotel sa Makati. Ayon sa ulat, biktima ng rape slay ang 23-anyos na dalaga.

Nasa 11 kalalakihan ang sinasabing suspek. Dahil sa nangyari, marami ang nagtutulak na isulong ang parusang kamatayan.

Ibalik anila ang ‘death penalty’. Marami ang nakikisimpatiya sa nangyari sa dalaga. Kinundina rin ng Commission on Human Rights ang nangyari.

Hangga’t wala pang nailalatag na matibay na ebidensiya, hindi tayo magsasalita. Kailangang mapakinggan ang magkabilang panig.

Sa gayun ay matukoy at mahimay natin ang sitwasyon. Hangad natin ang katarungan sa pagkamatay ni Cristine.

                                                                     oOo

Matigas ang sinabi ni Pangulong Duterte na huwag dumalo ang PSG. Ito ay kung ipatawag sila sa senado para sa imbestigasyon.

Nasalang kasi sa kontrobersiya ang PSG dahil sa nagpaturok sila ng smuggled na vaccine. Maliwanag na may nalabag silang SOP at protocol.

Pero, ayon kay Sen. Tito Sotto, tatalakayin lang ang tungkol sa vaccine. Hindi sila iimbestigahan.

Sa ganang akin, parang nagsilbing pang-testing ang PSG sa kung ano ang bias ng bakuna. Kaya lang, smuggled. Kaya may nagtataasan ng kilay.

Baka raw gayahin at gawin din ito ng iba. Papaano raw kung may nagsariling turok na sa mga senador at mga kongresista?

Papaano na aniya ang mga mahihirap? Pero, ang punto rin dito yung in every rule, there’s an exemption.

Buti sana kung ang smuggled na vaccine ay itinurok din sa mga mamamayan. Na walang go signal ng kinauukulan. Buweno, nandiyan na ‘yan.

Huwag nang palakihin ang isyu. Ang PSG naman ang magdurusa kung sakaling malintikan ang itinurok sa kanila.