MULING itinanghal si San Miguel Beer cornerstone June Mar Fajardo bilang Philippine Basketball Association Most Valuable Player – ang tanging player na nakagawa nito sa history ng liga.
Tinalo ni Fajardo si Scottie Thompson, ang indefatigable playmaker ng Barangay Ginebra na nanalo noong nakaraang season; kasama ang iba pang teammates – dati at kasalukuyan – si Gin King forwards Christian Standhardinger at Beerman guard CJ Perez.
Naganap ang Season 47 Leo Awards nitong Linggo sa Araneta Coliseum.
Bukod kay Fajardo, tumanggap din ng award si Kevin Alas ng NLEX team para sa Sportsmanship Award at si Maverick Ahanmisi ng Ginebra para sa Most Improved Player.
Ang Rookie of the Year naman ay si Justin Arana ng Converge FiberXers. RON TOLENTINO
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!