Target din si June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen na maisalang sa Japan B. League. May ilang team sa nasabing liga na balak makuha ang 6’9 big man.
Ayon sa ilang veteran agent, gusto ng ibang team ang laro ni Fajardo. Kaya, balak nila itong kunin bilang import.
” May ilang team dun na balak siyang kunin. Wala pang details kung magkano ang offer,” sabi ng isang source agent.
Nais kasi ng B- league na maging ala NBA ang dating nito sa Asya. Kung saan, naglalaro ang mahuhusay na players sa kontinente. Bukod kay June Mar. may lumabas ding sitsit na balak asintahin ng ilang team si Brgy. Ginebra Gin Kings Japepth Aguilar.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!