January 19, 2025

JOZEF MAYARD ERECE, PINAKABATANG ABOGADO SA BUONG MUNDO

Gumawa ng kasaysayan si Jozef Maynard Borja Erece, isang likas na matalinong Cordilleran mula sa Baguio City, na kinilala bilang pinakabatang abogado sa buong mundo.

Si Jozef ay naging abogado noong siya ay 18 anyos lamang. Siya rin ang itinuturing na “youngest law graduate” sa kasaysayan ng Australia, New Zealand, at Pilipinas.

Itinuturing rin siyang youngest lawyer sa maraming bansa sa southern hemisphere.

Mababasa ito sa iba’t ibang international websites.

Nagtapos siya ng Bachelor of Laws mula sa University of Southern Queensland noong 2015, at sa parehong taon ay nakumpleto ang Graduate Diploma in Legal Practice sa Queensland University of Technology.

Naging laman siya ng news sa Australia nang ganapin ang kanyang admission ceremony sa grupo ng mga abogado at solicitors ng Supreme Court of Queensland noong September 7, 2015.

Bukod pa rito, natapos ni Jozef ang Master of Corporate Law, isang nine-month long program sa University of Cambridge sa United Kingdom, noong 2021.

Ang University of Cambridge ay itinuturing na isa sa mga pinaka-prestihiyosong universities sa buong mundo, at ang acceptance rate as of 2020 ay wala pa sa 20 percent, base sa 3, 997 na natanggap out of 20,426 applications.

Pangalawang master’s degree na ito ni Jozef, na nagtapos ng Master of Legal Studies sa Australian National University of Canberra.

Dahil sa dami ng kanyang achievements, itinuturing si Jozef bilang isang “genius, polymath, and prodigy.”

Nagsimula siyang magsalita noong siya ay eight months old. Naka-publish na si Josef ng isang fantasy novel, noong siya ay eight years old.

Natapos niya ang kanyang secondary education bilang valedictorian sa edad na 14 sa New Zealand.

Lumipat ang kanyang pamilya sa Australia nang magsimula na siyang magkolehiyo.

Bukod sa kahusayan sa kanyang akademya, naging black belter (3rd degree) din siya at magaling na basketball player.

Top player din si Jozef sa St. Johns Chess team na naglaro sa North Island Championships na isinagawa sa St. Paul’s College noong 2011.

Bukod pa riyan, naging matagumpay din siyang violinist, na nag-preform sa Waikato Youth Orchestra at Saint John’s Sacred Hearth College combined Orchestra sa New Zealand.

Inihain din ng House of Representatives sa Pilipinas ang House Resolution number 2072 para bigyang papuri at i-congratulate si Jozef dahil sa kanyang pagtatapos ng law sa edad na 18 sa Australia at naipasanoong Mayo 6, 2014.