
MMA WORLD SHOCKED! Matapos ang matinding trilohiyang bakbakan, si Joshua “The Passion” Pacio ang lumabas na hari sa strawweight division — sa pinakaastig at pinaka-konbingsidong paraan.
Sa hindi inaasahang pagbaligtad ng inaasahan, tinalo ni Pacio si Jarred “The Monkey God” Brooks sa mismong larangan ng Amerikano — ground and pound! At ang mas nakakagulat? Mismong si Lito “Thunder Kid” Adiwang, na dating kakampi ni Pacio, nagkamali ng prediksyon.
“Akala ko si Brooks mananalo, kahit konti lang lamang. Pero hindi ko inakalang gaganunin siya ni Joshua,” ani Adiwang. “Akala ko kung mananalo si Joshua, baka via decision o lucky shot. Pero sa mismong larangan ni Brooks siya nanalo? Hindi ko inaasahan ‘yon!”
Sa halip na matinding palitan sa striking o ubusan ng hininga sa decision, inupakan ni Pacio si Brooks sa ground game — at doon niya tuluyang pinatahimik ang mga duda.
“Si Joshua ang GOAT ng division na ‘to,” dagdag pa ni Adiwang. “Every time na may duda sa kanya, pinapatunayan niyang mali sila.”
Matapos ang panalong ito, hindi lang natuldukan ang trilogy — naitatag din ni Pacio ang kanyang trono bilang tunay na hari ng ONE Strawweight MMA World Title, ngayon sa kanyang ikatlong reign.
Ang tanong ngayon: May makakatibag pa ba kay “The Passion”? O tuluyan na niyang isinara ang pinto para sa mga umaambisyon sa kanyang korona? (Ulat mula kay RON TOLENTINO)
More Stories
Si Kap. Benson Conde, ang “Vico Sotto” ng Barangay San Andres
10-TAONG GULANG NA BATA, PATAY SA TULI
‘SCAM HUB’ SA CEBU, NABUKING SA VIRAL VIDEO