September 19, 2024

JOSHUA GARCIA, MAS-FEEL ANG GIRLFRIEND NA MAY EDAD NG KONTI SA KANYA

MUKHANG nadala ang actor na si Joshua Garcia sa kanyang naging buhay pag-ibig with his ex-girlfriend Julia Barretto. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa 3rd party, at ito nga ay si Gerald Anderson. Kahit nagdeny ang both sides, natuloy pa rin ang break up nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sa ngayon ay pokus muna ang actor sa kanyang career at pag-aaral. Ngayong may pandemic, marami ang nawalan ng pagkakakitaan. Kahit ang mga artista, naapektuhan din naman sila. Halos lahat, nawalan din ng trabaho.

Planong kumuha ng kursong Business Entreprenuership si Joshua, tutal naman daw ay nakapag-enroll naman na siya at nag-uumpisa na sa kanyang pag-aaral. At focused ang actor, kaya wala siyang time ngayon sa tawag ng pag-ibig.

Kung magmamahal daw siya muli, gusto niyang girfriend ay may edad na ng konti sa kanya. Habang nagma-mature ang isang tao, naiiba ang pananaw niya pagdating sa pagsinta. At saka hindi naman daw siya nagmamadali. Para sa kanya, kusa naman daw titibok ang puso at kahit pa ayaw niya ay darating din iyong babaeng kanyang mamahalin.