
Lumagare si Fil-AM cager Jordan Clarkson at 6 pang Utah Jazz players ng double figures. Na naging dahilan upang pasabugin ng Jazz ang Houston Rockets, 122-91.
Naging historic night din ang laro sa pagitan ng naturang teams. Kung saan, ipinagdiwang ang Filipino Heritage Night. Makasaysayan din ito dahil dalawang may dugong Pinoy na players sa NBA ang nagtapat.
Nagtala si Jordan ng 16 points habang si Jalen Green ay bumira ng 13 points.
Ang lola ni Jordan na si Marcelina Tullao Kingsolver ay mula sa Bacolor, Pampanga. Habang ang maternal grandfather ni Green ay mula sa Ilocos Sur.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT