January 23, 2025

JORDAN CLARKSON, GUSTONG SUMALANG MULI SA GILAS

Jordan Clarkson ng UTah Jazz, nais muling makapaglaro sa Gilas Pilipinas

Hindi na makapag-antay si Jordan Clarkson na muling makalaro sa Gilas Pilipinas. Halos tatlong taon na rin sapol nang maging bahagi ang Utah Jazz cager ng national team.

Ayon sa 28-anyos na combo guard, nais niyang irepresent ang bansa sa international campaign at manalo.

“Yeah, that’s definitely something I want to do.”

“Hopefully, everything lines up and I’m free that time. And that moment, I’ll put that Gilas jersey back on and go win us something,” sabi ni Clarkson sa The Game.

Noong 2018 Asian Games, kinuha ng bansa ang serbisyo ni Jordan Clarkson. Ito’y matapos ang naganap na rambol sa pagitan ng Gilas at Australian Boomers.  

May average siyang 26.0 points, 6.5 boards, 5.5 assists at 1.0 steals. Nagtapos lamang ang Gilas sa fifth place ng torneo.

 “I thought we could’ve won the whole thing,” aniya.

Gayunman, hindi tiyak kung magiigng claasified si Jordan sa FIBA-sanctioned games. Ayon sa kanyang ama na  isinilang sa Tampa, Florida, mayroon nang passport si Clarkson bago sumapit sa edad na 16.

Ngunit, hindi kumilos ang FIBA rito. Sa kabila ngh kanyang sitwasyon, laging suportado ng fans si Clarkson. Katunayan, nagkokomento ang mga ito sa kanyang posts.

Those are the things that fuel Clarkson in his journey in the NBA.

“I feel it all the time. I always see the flag, puso, everything. Just love and support every time I check my phone, it’s amazing,” ani Clarkson.