Titimunan ni Utah Jazz sixth-man Fil-Am Jordan Clarkson at ni 2021 NBA Draft prospect Jalen Green ang idaraos na Jr. NBA basketball clinic.
Bubuslo ang free virtual basketball clinics para sa mga batang Pinoy sa May 29 at June 12. Ituturo sa mga tskiting ang basic drills at skills at iba pang disiplina sa basketball.
Lalahok din sina Clarkson at Green sa live session at tatalakayin ang importansoya ng fundamental skills training.
Sa June 12 naman, pangungunahan ni WNBA Legend Ticha Penicheiro ang Jr. NBA session para naman sa mga batang babae.
“We’re excited to bring together players from across the NBA, WNBA, and NBA G League to inspire our young athletes participating in the first-ever Jr. NBA Philippines Clinics Online,” sabi ni Scott Levy, NBA Philippines Managing Director.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!