Naging laman sa Twitter kahapon ang “I Love You Sabado” matapos umani ng suporta ang Jollibee mula sa mga nagmamahal na fans at crew nang mag-viral ang ‘fried tuwalya’ na nagbalatkayo bilang Chickenjoy.
Para sa mga batang 90s, ang komersiyal na “I Love You Sabado” ng pinakamalaking fastfood operator sa Pilipinas ay naghikayat sa kanila para kulitin ang kanilang mga magulang na dalhin sila sa Jollibee tuwing Sabado ng umaga para kumain ng spaghetti, burgers at siyempre – Chickenjoy, ang star ng kanilang menu.
Nag-post din ng kanilang selfie ang mga proud na dati at kasalukuyang crew members habang suot ang uniporme para ipahayag ang kanilang suporta sa Jollibee.
Tatlong araw sarado ang branch ng Jollibee sa BGC kung saan inorder ang deep fried na tuwalya via Grab para bigyang daan ang imbestigasyon.
Nagpahayag din ng kanilang suporta ang ilang endorser ng Jollibee sa naturang fastfood chain.
Sa YouTube, sinabi ng court of justice ng Philippine TV na si Raffy Tulfo, na base sa mga komento ng mga ex-crew, naniniwala siya na ang insidente ay hindi sinabotahe, kundi nagkaroon ng kapabayaan.
“Frozen yan, ibubuhos na lang. Kung tama sinasabi ng nag-comment na yun, walang kasalanan ang branch,” saad ni Tulfo. “Ako naniniwala ako na hindi ito sabotahe. Nagkaroon ng kapabayaan.”
“Jollibee is a respected company. Dekada po ito doing business. Maayos naman pamamalakad ng Jollibee. Minsan, hindi mo naman pwede i-asa lahat ng gusto mong mangyari sa iyong tauhan. Kailangan bantayan mo talaga,” saad niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA