January 27, 2025

JOKO WIDODO DUMATING SA PILIPINAS PARA SA 3-DAY OFFICIAL VISIT

Dumating na si Indonesian President Joko Widodo para sa tatlong araw na opisyal na pagbisita nito sa Pilipinas.

Dakong alas-8:05 ngayong gabi nang lumapag sa Villamor Airbase ang eroplanong sinasakyan ni Wododo.

Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng Indonesian President ay sina OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., Philippine Ambassador to Indonesia Gina Jamoralin, Chief Presidential Protocol Reichel Quiñones.

Bukas (January 10), tatanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang ang Indonesian President.

Magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider, kung saan matatalakay ang mapalalalim pa at pagpapalawak sa relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Susundan ito ng State banquet, kung saan si Pangulong Marcos ang magsisilbing host para kay President Widodo.

Kung matatandaan, ang Pilipinas at Indonesia ay kapwa founding members ng ASEAN, magkalapit na bansa, magkabalikat, at mayroong masiglang kooperasyon sa malawak na larangan ng politika, ekonomiya, at people to people relations.  Ang pagbisitang ito ni President Widodo ay sa harap na rin ng pagdiriwang ng Pilipinas at Indonesia sa ika- 75 anibersaryo ng kanilang diplomatic relations sa darating na Nobyembre.