
Nagtala si Nikola Jokic ang triple-double upang pangunahan ang Denver Nuggets sa pagligwak sa LA Lakers, 133-96. Kumana ang Serbian big man ng 17 points, 12 boards at 13 assists.
Sa panig naman ng Lakers, bumira si LeBron James ng 25 points, 9 boards at 2 assists. Habang si Russell Westbrook naman ang kumana ng 19 points, 5 rebs at 3 assists.
Nalasap ng Chicago Bulls ang kanilang 3rd straight loss. Nilagare ng Boston Celtics ang Bulls, 114-112. Binuhat ni Jayson Tatum ang Celtics sa pagbira ng 23 points, 12 boards at 4 assists.
Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 19 points, 7 boards at 4 assists.Gumawa naman si DeMar DeRozan ng 23 points, 7 ast at 8 rebounds sa Bulls.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT