NAG-SORRY si Jojo Nones, isa sa umano’y umabuso kay Sandro Mulach, kay Senator Jinggoy Estarada sa nangyari sa pagdinig sa Senado nitong Agosto 27.
Ayon kay Nones, inatake raw kasi siya ng anxiety at stress kaya naapektuhan na rin ang kanyang “judgment.”
Sa pagpapatuloy ng pagdunug kaugnay sa sexual abuse sa entetainment industry, nagkaroon ng matinding sagutan sina Estrada at Nones matapos tumanggi ang huli na sagutin ang tanong ng senador.
Tumanggi rin ang GMA consultant na magkomento sa testimonya ni Mulach at sinabi ang kanyang right against self-incrimination.
Dahil dito, ipinag-utos ni Estrada na manatili sa detention si Nones, dahilan para sagutin ito ng huli na, “For just exercising my constitutional rights, you continue to detain me.”
Matapos ang pagdinig, nagpadala si Nones kay Estrada ng lihan para humingi ng sorry.
Narito ang buong laman ng sulat ng isa sa mga akusado sa kaso ni Sandro.
“I am writing to sincerely apologize for my conduct during the Senate hearing earlier today.
“I recognize that my words and tone may have come across as disrespectful, and I deeply regret allowing my emotions to get the best of me.
“The anxiety and stress I’ve been experiencing due to my detention unfortunately clouded my judgment, and I did not express myself in the manner intended.
“I am committed to ensuring that my future interactions will reflect the respect and professionalism that your positions deserve.
“Thank you for your understanding, and I hope to demonstrate through my actions that this was an isolated incident.”
Simula pa noong August 19 naka-detain si Nones sa Senate of the Philippines matapos siyang patawan ng contempt dahil sa umano’y patuloy na pagsisinungaling sa hearing.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA