Suportado ni Senador Jinggoy Estrada ang joint patrol sa West Phil Sea kasama ang puwersa ng ibang bansa.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Senador Estrada na wala siyang nakikitang problema sa joint patrol kung makatutulong ito para mapangalagaan ang interes sa teritoryo ng bansa
Paliwanag ng senador, wala namang nangyayari sa paghahain ng diplomatic protests ng Pilipinas laban sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea o WPS.
Sa pagtaya ni Estrada maaari aniyang umabot sa isang libo ang protestang inihain ng Pilipinas laban sa China sa nakalipas na mga taon na hindi naman pinapansin at pinakikinggan. GINA MAPE
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW