Inamin ng beteranong aktor na si John Regala na wala siyang natanggap na kahit sentimos mula sa donasyon ng kanyang kapwa artista na nalikom nina Chuckie Dreyfus at Nadia Montenegro para sa kanya.
“Wala po akong nakuhang ni-singko po sa kanilang nakalap na donasyon,” saad ni Regala sa Radyo Singko 92.5 News FM’s “Wanted Sa Radyo” noong Martes.
“Actually humihingi nga po ako sa kanila ngunit wala silang binibigay sa akin na anumang proof kung magkano ang binigay ng kapwa kong artista, yung mga netizens o yung mga kapwa kong tao,” dagdag pa niya.
Naging laman ng headlines si Regala matapos tulungan ng isang food delivery driver, na namataan siya na nanghihina.
Ang naturang aktor, na nakilala sa pagiging kontrabida sa mga pelikula at palabas sa telebisyon, ay nakikipaglaban ngayon sa liver cirrhosis at severe gout.
Dahil sa sitwasyon ng aktor, nangalap ng donasyon sina Dreyfus, Montenegro at beteranong entertainment writer na si Aster Amoyo para tulungan si Regala.
Bagama’t, nagdesisyon ang tatlo na itigil na ang kanilang tulong pinansiyal sa aktor dahil sa pag-uugali nito.
Inilarawan nilang tatlo na si Regala ay isang “very uncooperative and difficult individual”.
Itinanggi naman ni Dreyfus ang sinabi ni Regala na naroroon din sa nasabing programa.
Ayon sa kanya, nailipat nila ang P115,000, na nalikom mula sa donasyon, sa account ni Regala.
“Meron po kaming proof of transfer galing sa banko mismo. May certificate po talaga kaming pinagawa sa bangko,” paliwanag ni Dreyfus sa host ng radio show na si Raffy Tulfo.
“Lahat po ng dumaan po sa amin na donations, tinanggap po namin ni Nadia at ni Nanay Aster,” Dreyfus explained. “Ngayon, yung mga tinanggap po namin, yun po ang ginamit namin sa ospital at sa pagpapaalaga po namin kay John.”
Samantala, sinabi ni Regala, na wala siyang natanggap na listahan.
Pero tugon naman ni Dreyfus na ibinigay niya ang listahan sa assistant ni Regala na si Teddy Imperial.
Hindi na pinayagan pang magsalita ni Tulfo si Imperial na naroon din sa nasabing show.
“Mukhang for me, sira na ang credibility nito because… sa kanya binigay yung mga resibo, at mukhang meron daw siyang sasabihin na hindi maganda,” saad ni Tulfo tungkol kay Imperial.
“It’s not the right time, we have to investigate Sir Teddy muna (first),” dagdag ng host.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA