September 19, 2024

JOHN LLOYD CRUZ, BINASURA NA RIN NG SARILING NETWORK

ANG daming nanghihinayang kay John Lloyd Cruz, siya mismo ang sumira ng kanyang career. Kung tutuusin pwede pa talaga siyang makabalik, kaso mukhang nagpapahabol pa ito. Ngayong nagsara na ang ABS-CBN, nagsara na nga rin ba ang swerte sa kanyang showbiz career?

“Wala namang balita kung welcome siya sa TV5, dahil tuluyan na ngang na lockdown o na tengga ang kanyang career. Paano siya kukunin ng TV5, gayung bad image ang kanyang pinalabas sa ngayon. At kahit nagbago na siya ay nasabay naman sa pagsasara ng kanyang TV Network, kaya ano pa ang klanyang babalikan.

“Sinayang niya ang kanyang career. Hindi niya inisip ang samang idudulot ng kanyang pagrerebelde sa kagustuhan lang niya na mamuhay ng matiwasay. Nang magbabalik showbiz na nga siya, ay humadlang naman ang coronavirus na unti-unting pumapatay sa mundo ng showbiz. Ang ending tuloy, tuluyan nang bumulusok paibaba ang kanyang showbiz career bilang isang mahusay na artista,” kwento pa ng aking source.