Muling lumipat ng partido si Albay Rep. Joey Salceda kasunod ng pagkapanalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nanumpa ngayong araw si Salceda bilang miyembro ng Lakas-CMD sa presidente ng partido na si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Sa isang pahayag, sinabi ni Salceda na muli siyang sumali sa partidong nakasama niya mula 2001 hanggang 2010.
“I rejoined my party from 2001 to 2010 having been a presidential econ adviser and chief of staff of PGMA, long time friend and adviser of VP Sara (Lakas chairman) and of course as chief campaigner the 2019 speakership bid of incoming Speaker Martin Romualdez who has recruited to play a key economic role in the House of Representatives,” saad niya.
Noong 2010, iniwan ni Salceda ang Lakas-CMD para sumali sa Liberal Party nang manalo si Benigno Aquino III bilang Pangulo. Makalipas ang anim na taon, nanumpa siya bilang miyembro ng PDP-Laban na partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA