November 24, 2024

BAGONG PIA CHIEF ‘KASADO’ VS FAKE NEWS

NANUMPA na si incoming Philippine Information Agency (PIA), Director General Jose Torres Jr., kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velcaria-Garafil sa isang seremonya sa PIA Head Office sa Quezon City ngayong araw. Papalitan niya si outgoing Dir. Gen. Ramon Lee Cualoping III, na nagsilbi bilang PIA Director General sa loob ng tatlong taon. (KUHA NI ART TORRES)

INIHAYAG ni Philippine Information Agency (PIA) chief Jose “Joe” Torres Jr., na kabilang din sa kanilang concerns ang misinformation at disinformation, nang opisyal na magsimula ang kanyang termino bilang bagong director general.

 “Fighting disinformation and misinformation is part of [our work] because on social media, because of the prolification of supposed digital creators, the online world has turned murky, and it’s also affecting the real world,” ani ni Torres, na nanumpa kay Communications Secretary Cheloy Garafil.  “We want to help in facilitating [and making sure] that the right information will reach the people,” dagdag niya,

Nagsimula ang journalism career ni Torres noong dekada 80s. Nagkaroon siya ng iba’t ibang posisyon sa news orranizatiion, mula sa alternative hanggang sa mainstream media. Nagtrabaho siya sa Saudi Gazette, Isyu news magazine, Manila Time, The Philippine Post, The Sunday Paper, ABS-CBN’s online news website, GMA News Online at Remate.