
HINDI raw nag dalawang isip si Jo Berry, nang bigyan siyang muli ng isang drama series ng Kapuso network. Tinanggap niya ang nasabing offer dahil, matagal na rin naman siyang walang TV series.
“Hindi naman pumasok sa isip ko na pinabayaan na ako ng Kapuso network, kasi nga matagal din akong walang project sa kanila. Alam n’yo naman ang GMA 7, ibang mag alaga sa kanilang mga talent.
“Hindi naman ako nagmamadali, kaya heto dumating din itong hinihintay ko. Kaso kakaiba talaga iyong role ko bilang si Lilet Matias sa ‘Lilet Matias Attorney At Law!’ Pero ganun paman inaral ko kung paano i-arte iyong role ko bilang isang Atty., mahirap pero sa tulong ni Direk Adolf Alix Jr. nagampanan ko naman ng husto.
“Proud ako dahil magkakasama ko si Superstar Nora Aunor, na malaki rin ang naitulong sa akin ng magkasama kami ni Ate Guy. Buti naman at hindi niya tinanggihan na mapasama siya sa drama series naming ito.” Pagtatapos pa ni Jo Berry.
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA