January 25, 2025

JJ REDICK, NAGRETIRO NA SA NBA

Inanunsiyo ni JJ Redick ang kanyang retirement matapos ang 15 seasons sa NBA. Katunayan, may post siyang video sa social media kaugnay dito. Si Redick ay naglaro sa liga noong 2006 at No.11 pick. Nilambat siya ng Orlando Magic (2006-2013) mula sa University of Duke. Kung saan siya ang naging all-time leading scorer sa NCAA history nito.

Sa kabuuan naglaro siya sa 6 NBA teams. Nitong nagdaang 2 seasons, kinuha ng New Orleans Pelicans at Dallas Mavericks ang kanyang serbisyo. Naglaro rin siya sa Bucks (2013) Clippers (2013-17) at Philadelphia (2017-19).

May average siyang 12.8 points sa 940 regular-season games. Nagtala siya ng 1,950 career markers sa 3-point range at no.15 sa NBA history. Nagpasalamat naman siya sa mga fans dahil sa suporta ng mga ito sa kanya.

“I never could have imagined I would play basketball this long,” ani Redick sa  latest episode ng kanyang podcast na, “The Old Man and the Three”.

 “Going into last season, I wanted it to be my last year but I wasn’t sure how it would play out. I would like to describe last season as a seven-month exercise in coming face to face with my own athletic mortality,” aniya.