December 23, 2024

‘Jinggle’ magazine founder Gilbert Guillermo pumanaw, 74

Kuha mula kay DengCoy Miel/FB

SI Gilbert Guillermo ay 24-anyos pa lamang noong 1970 at galing sa  Far Eastern University (FEU) nang ilunsad nito ang Jingle, isang chordbook magazine na nagturo sa dalawang henerasyon ng mga kabataan para matutong maggitara.

Ilan sa mga kabataan noon ay naging rock star, kabilang na si Raymund Marasigan na sumikat sa Ereserheads, kung saan nabanggit niya rin ang nasabing publikasyon sa kanyang solo composition na “Betamax”; “Sa Jingle magazine natutong mag-gitara…”

Namatay ang founder na si Guillermo noong Hulyo 21 sa edad na 74 dahil sa hindi mabatid na kadahilan, ayon sa kanyang kapatid na dating Jingle music editor na si Eric.

Noong kasagsagan ng Martial Law, nagmistulang bibliya ng libo-libong kabataan ang Jingle, bukod sa matututo ng mga chords sa gitara sa pop at rock hits maging classic, mayroon din itong iba pang konteksto, gaya ng istorya ng mga napapanahong Pinoy musician,  mga reprints ng mga artikulo ng Rolling Stone at Creem, essays, poetry, fiction, letter of readers, jokes, cartoons, art at record review.

Huling naglabas ng isyu ang Jinggle noong 1997.