
Bumira si Jimmy Butler ng 36 points upang pangunahan ang Miami Heat sa panalo sa Game 4 ng East Round 1. Inihaw ng Heat ang Atlanta Hawks tungo sa huge win, 110-86. Kaya, lamang na sa series ang bataan ni coach Erik Spoelstra, 3-1.
Nagdagdag din si Butler ng 10 rebounds at 4 assists. Nag-ambag naman si Bam Adebayo ng 14 points at 8 boards. Inalat naman ang opensa ni Trae Young sa Hawks.
Nagtala lamang ito ng 9 points at may 5 assists. Hindi na hiyayaan ng Miami na maulit pa ang senaryo noong Game 3. Kung saan, lumamang sila sa 3rd quarter pero nahabol. Ngunit sa Game 4, iniwanan na nila ang Atlanta at hindi na pinahabol pa.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo