
SIKAT din ang kahawig ni Jillian Ward na si Salshabilla Adriani. Isa siyang Indonesian actress na pumaimbulog sa kasikatan sa paggawa ng mga pelikula sa kanilang bansa simula noong 2017.
Gayun din naman si Jillian. Bata pa siya nang pumaimbulog sa larangan ng pag-arte sa mga teleseryeng tumatak sa isip at puso ng mga manonood hanggang sa nakalakihan niya na ito. Siya nga ang napipisil na gaganap sa remake ng ‘Marimar,’ dahil bagay na bagay sa kanya at kaya naman niya itong gampanan.
Ito ang pahayag ni Jillian nang tanungin kung ano ang pakiramdam ng may kamukha: “Masaya, para ngang kambal ko siya. Pero mukhang matanda siya sa akin, kaya kung magkikita kami ay Ate na ang itatawag ko sa kanya. Sikat pala siyang actress sa Indonesia. sana kung papalarin ay makilala ko siya. Sa akin naman okay lang ang may kamukha. Challenge nga iyon at happy ako.”
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”