GANAP nang dalaga si Jillian Ward, at habang tumatagal ay lalo itong gumaganda. Last August 17, ay nagsimula na ang rerun ng ‘Prima Donnas’ na kung saan ay lumutang ang husay niya sa pag-arte.
Dahil sa taglay na ganda, hiling ng kanyang mga followers na sana ay siya ang gumanap ng bagong versiyon ng ‘Dyesebel,’ ‘Darna’ o ‘Marimar.’ Dahil bagay daw ito kay Ward at tiyak na tatangkilin ito ng kanyang mga tagahanga.
Nakarating na sa kampo ni Jillian, at balita nga namin na okay naman pala sa dalaga at gusto niya. Pero paano raw ang Darna at Dyesebel? Pag-aari na iyon ng kabilang network, maliban na lang kung pumayag sila na ipagamit ito sa iba.
Kung sabagay may katwiran ang kampo ni Jillian Ward, malay natin ‘di ba? Pero ang sure ay ang Marimar dahil, ang rights nito ay GMA-7 pa rin ang nagmamay-ari.
Sana payagan sya ng ibang network na gamitin ang dyesebel at darna dahik deserve nya talagang maging bida sa mga yan… go jillian ward! Forever idol! Don’t stop inspiring us🥰🙂
Bagay namn Kay idol maging darna or marimar kaya soportahan ko talga yang Bata na Yan go Lang Jillian ward! Isa ako sa fans..mo god bless you be safe