
WALA raw pakialam ang buong grupo ng ”Kapuso Mo Jessica Soho,’ kung nasa bakuran na ng GMA 7 si Vice Ganda. Hindi raw dahilan iyon para tanggapin nila na mag-guest si Meme Vice sa kanilang show, kaya dedma sila sa komedyante.
“Hindi ho kasi titino iyang si Vice Ganda, kung lagi na lang siyang pagbibigyan. Gawain na raw ng komedyante ang manakit ng kanyang kapwa at katapat lang ay ‘sorry,’ tapos may iba na naman siyang bibiktimahin.
“Sumusobra na kasi si Vice, kung pagbibigyan iyan lalo lang yayabang at lalaki ang ulo ng komedyanteng iyan. Tama lang na tanggihan ni Jessica Soho, na mag-guest si Vice sa kanyang ‘Kapuso Mo Jessica Soho’ show dahil sa insultong ginawa nito tungkol sa ‘gang rape joke’ sa nakaraan niyang concert sa Araneta Colisium,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA