Napanatili ni Jerwin Ancajas ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight title sa Connecticut.
Ito’y nang manalo via unanimous decision kontra Mexican pug Jonathan Javier Rodriguez. Pumabor ang mga judges sa Pinoy boxer, 115-112, 116-111 at 117-110.
Ito’y kahit natalo si Ancajas sa last three rounds ng kabuuang 12 round-bout Napatumba ni Ancajas (33-1-2, 22KO’s) ang kalaban sa Round 8. Pero, sinuwerteng ma-saved by the bell ito.
Dahil sa panalo, naitala ng Panabo City native pug ang 9th consecutive win. Nagsimula ito nang mahablot niya ang title kay Jose Alredo Rodriguez ng Mexico noong January 2017.
“This is the toughest fight for me,” saad ng 29-year-old fighter.
Pinatid din niya ang six-win streak ni Rodriguez (22-2, 16KO’s). Mula rito, may posibilidad na makaharap iya si Thai superstar Srisaket Sor Rungvisai (50-5-1).
Ang Thai pug ay dating WBC super flyweight champion na nagwagi sa last three fights nito.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na