December 23, 2024

JERSEY NI KAI SOTTO, TOP 4 BEST SELLING MECH SA NBL

Isa ang jersey ni Kai Sotto sa mga top sellets ng National Basketball League (NBL). Katunayan, ang jersey no.11 sa Adelaide 36ers ay pang-apat sa NBL merch sales.


Patunay ito na malakas ang hatak at sikat ang 7’3 teen-sensation cager. Nangunguna sa merch sales ang jersey ni Chinese big man Zhou Qi ng South East Melbourne Phoenix.


Sinundan ito ni NBA former veteran Matthew Dellavedova ng Melbourne United. Pangatlo si Tasmania JackJumpers import Josh Adams.


Bumunto nama kay Kai sa panlima si Byrce Cotton ng Pert Wildcasts. Ang jersey ni Sotto ay available sa NBL’s store website. Nagkakahalaga ito ng AUD$79 hanggang AUD$99 o mula P2,900- P3,700.