Kasama sa listahan na posibleng italaga umano ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang isang bilyonaryong kontraktor at property developer na si Jose “Jerry” Acuzar bilang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ayon sa nakalap na impormasyon ng bilyonaryo.com, seryosong kinokonsidera ni Marcos na pangalanan ang 67-anyos na si Acuzar sa nasabing posisyon.
Si Acuzar ang may-ari ng New San Jose Builders, Inc. na isa sa pinakamalaking housing at condominium developers sa bansa. Isa sa unang naging proyekto ng New San Jose ay ang development ng National Housing Authority land at infrastructure sa Caloocan City.
Kabilang sa malalaki niyang naging proyekto ay ang Victoria Towers sa Quezon City, three-tower Fort Victoria sa Bonifacio Global City, at ang heritage town na Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan.
Si Acuzar ay bayaw ni dating Exectiver Secretary Paquito Ochoa, ang dating law partner ni First Lady Lisa Araneta-Marcos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?