Nagtala ng impressive win si Jenelyn Olsim via unanimous decision laban kay Bi ‘Killer Bi” Nguyen sa Singapore Indoor Stadium. Kaya naman, lalong tumaas ang profile ni Olsim bilang fighter.
Sa simula pa lang ng laban, ipinamalas na niya ang galing sa Muay Thai. Anupat nadomina niya si Nguyen at sinikwat ang panalo sa kanyang ONE debut.
Isa na siya sa kinatatakutan sa women’s atomweight division.
Napaigi pa ng 24-year-old na fighter ang kanyang record sa 5-2. Dahil din sa panalo, nakarekta siya ng spot sa all female ONE: Empower card.
Ito ay idaraos sa susunod na Biyernes at makakaharap niya ang Thai-American na si Grace Cleveland sa ONE Women’s Atomweight World Grand Prix.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2