Inulan ng batikos sa social media ang singer na si Jed Madela dahil sa kanyang napiling kanta sa Thanksgiving concert para kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hunyo 26.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Jed ang sama ng loob niya sa mga binabatikos siya dahil ang kanta daw na ‘You Raise Me Up’ na orihinal na awitin ni Josh Groban ay para daw sa mga ililibing.
Dahil dito ay ipinaliwanag ni Jed ang lyrics ng nasabing kanta upang malinawan ang mga netizens.
“Someone called me T*NGA and B*B* coz I sang YOU RAISE ME UP. Pang patay daw…Saang part kaya dun ang pang patay?” banat ni Jed.
“Tsk tsk tsk. I pity this person… Haaaaay… Halika. Explain ko ang lyrics sa yo.”
Ilang netizen naman ang nagpakita ng suporta ang mga netizen sa singer na noon pa man ay nakasuporta na kay Duterte.
“Please mga ma-DDS let us all support this great singer. Wala na talagang ibang ginawa itong mga pinklawan kundi mandikta sa gustong gawin ng mga nagtatrabaho sa Showbiz na para bang wala silang kalayaang magdesisyon.” sabi ng isang Facebook page na nagpapakita ng suporta kay Jed.
“To Mr. Jed Madela Thank you po sa pagkanta ninyo kay PRRD at thank you din po kase hindi kayo Toxic na singer hindi ka nagpapadikta sa gusto ng iba, wag po kayong mag-alala kung icancell man kayo ng mga Pinklawan gaya ng ginawa nila kay Ms. Toni Gonzaga Studio kay Mr. Daryl Ong at sa iba dahil nandito ang DDS para suportahan po kayo!” dagdag pa nila.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna