UNTI-UNTING tinapyasan ng JC2 Slashers Sealions ang kalamangan ng Vertex Maritime upang saklitin ang come-from- behind victory 64-63 sa pagpapatuloy ng Sinag Asia Liga Kwarenta kagabi sa SM Southmall Gym sa Las Piñas City.
Sa loob ng tatlo at kalahating quarters ay nanatiling naghahabol ang tropang arkitekto ni team top brass Ar Jaycee Gudelino Celeste at Sealions honcho Jemuel Isla Laron hanggang makadikit na sila sa krusyal na sandali ng final period hanggang ipinoste ni game’s best player
Geof Gonzales ang go ahead point sa dying seconds na ikinagulantang ng mga Marino.
May tsansa pang magkaroon ng game changer ang Vertex sa kanilang huling opensiba pero naagawan ni JC2 spitfire Jhun Elorza ang beteranong pointguard na si Al Vergara na nakuhang ma- foul ito sa nalalabing 1.9 segundo.
Parehong minintis ni Elorza ang free shots nito at sa agawan ng ball possession ay naubos ang oras panalo ng isang punto ang JC2 Sealions.
“Matapos ang rattles mula first hanggang early fourth ay nakaporma na bataan natin hanggang makalamang lang under a minute at naisalba ang laban para sa amin.Salamat kay coach Anzai , bossing JC2 at Laron”, wika ni
Gonzales na kumamada ng double-double,12 pts, 11 rebs at 3 steals.Highest pointer si Mark Marcos na may 16 pts, 9 rebounds.
Matapos ang dalawang sunod na talo ay balik sa winning form ang bataan ni Archi Jayzee at Laron sa kanilang 3-3 card at manatiling nasa kontensyon para sa titulo. (DANNY SIMON)
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?