December 25, 2024

JC2 SLASHERS ANGAT KONTRA FOOD FAM, 82-80 SA IFBL

UMINIT ang opensa ni Daven Galindez sa krusyal na sandali upang akayin ang kanyang koponang JC2 Slashers sa kanilang come-from-behind victory kontra Food Fam, 82-80 sa pagpapatuloy ng Invitational Friendship Basketball League( IFBL) u-5’10 ft .sa Meralco Gym, Pasig City nitong weekend.

Limang three-point shots ang pinawalan ni Daven ang dumagdag sa 19 points output nito na naging mitsa ng wagi at tanghalin siyang  Smile 360 Best Player.

Matamlay muna ang simula ng JC2 kung saan ay 9 puntos lang ang kanilang output sa 1st quarter na damay pa hanggang halftime ay 30 points lang ang kanilang puntos.

Pinamunuan ni Galindez ang mainit na paghabol na ang mitsa ay ang pambaling- gulugod na rainbow shots tungo sa panalo upang mag- improve ang kartada ng tropang arkitekto sa 3-3 panalo-talo.

Si Von Hababag ang topscorer sa JC2 Slashers na kumamada ng 20 puntos katuwang ang kapwa niya pointguard na si Peejay Calonzo.

Impresibo ang double-double performance ni Vidal Trinidad pero di naging sapat upang maisalba ang kanyang team Food Fam na sumadsad pa sa kanilang 3 straight losing streak.

“Our Slashers never gave up  in crucial stage of the game na naghahabol kami.Hats off sa ‘king mga players, it’s a team effort indeed”,sambit ni JC2 Slashers top brass Architect Jaycee Gudelino Celestial na isang  taal na basketball enthusiast. (DANNY SIMON)