Preparado na si Jasmine Alkhaldi sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 2022. Kaya nanaman, tutok na sa training ang 2-time Olympic swimmer.
Aniya, hirap nga lang mag-ensayo sa ngayon dahil sa pandemya. Pero, dapat ay tutukan niya ito. Sa gayun ay magiging maganda ang performance niya sa SEA Games. Kaya naman, solo flight siya sa training.
“Bihira lang kami maka-compete and nagte-training kasi ako mag-isa, halos lahat ng member ng national team namin ay foreign, so mag-isa lang ako nagte-train pero kapag permitted ng restriction may kasama akong coaach.”
“So ang pinaka-goal ko lang muna ngayon is SEA Games for next year kasi one at a time, mahirap mag-training dito sa Philippines. Minsan pwede [mag-train], minsan hindi,” ani Alkhaldi sa Tops.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na