Bagama’t may ipinatutupad na quarantine o bawal ang paglalaro ng basketball dahil sa COVID-19, nasilip ang paglalaro ng 5-on-5 basketball sa Ronac Arc Center sa Greenhills, San Juan nina Kobe Paras, Thirdy Ravena at Barangay Ginebra Gin Kings star Japeth Aguilar.
Kaya naman, maaari silang maharap sa paglabag sa quarantine protocol; pagkatapos kumalat sa social media (Instagram) ang naka-post na video kahapon ng kanilang ginawang scrimmage o pick-up game.
Ang pick-up-game ay isang laro na inasembol sa pamamagitan ng imbitasyon ng mga magkakaibigan o grupo; gayung ipinagbabawal ng IATF ang anumang laro ng walang pahintulot mula sa kanilang ahensiya gayung nasa ilalim GCQ ang Metro Manila.
Bukod sa dalawa, sangkot din sa laro ang dating teammate ni Ravena sa Ateneo Blue Eagles na si Isaac Go at Adrian Wong na naglalaro sa Rain or Shine.
Dahil sa insidente, ipinatatawag ng PBA sina Aguilar at Wong na magsadya sa opisina ni PBA Commissioner Willie Marcial sa Lunes ng hapon; upang pagpaliwanagin sa lumabas na video kung saan naglalaro sila kasama ang iba pa.
Bukod kina Aguilar at Wong, maaari ring kausapin ng komisyoner si Go na prospect sa Gilas Pilipinas Program.
“Tingnan ko muna yung video tapos usap kami kung ano nangyari,” sabi ni Comm. Marcial.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2