Tiba-tiba si Japeth Aguilar ng Brgy. Ginebra Gin Kings kung sakaling maglaro sa Japan B. League. Inaalok kasi ang nasabing cager na maglaro sa nasabing liga.
Ayon sa source, isang team ang nag-alok kay Aguilar ng $40,000 kada buwan. Katumbas ito ng P2-million kada buwan at P24-million sa isang taon.
Kapag naglaro sa pangalawang taon, sasahod aman siya ng $55,000 kada buwan. O katumbas ng P2.789 kada buwan o mahigit sa P36-million a year. Kung maganda ang nilalaro nito at ambag sa team, pwede pang umabot sa $70,000 a month o P3.5 million.
” Bahala na si Japeth kung kakagatin niya ang alok. Kung gusto niya, e di go. Pero, siya pa rin ang magdedesisyon nyan,” ani ng source.
” Kilala kasi si Japeth kahit papaano sa Japan. Lalo na nung naglalaro siya sa Gilas. Gusto yata ng team yung kalibre niya. Yung matangkad na mabilis at dumadakdak,” dagdag pa ng source.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!