Bilang protesta sa nangyaring racial injustice patungkol kay Jacob Blake incident, umatras si Naomi Osaka sa isang tennis meet.
Ito ay bunsod na rin ng pagkansela ng nag-organisa tennis tilt na itigil ang laro. Sa gayun ay may bahagi sila sa isinasagawang protesta.
Sasalang sana ang Japanerse tennis star sa Western & Southern Open. Pero, nagpasya siyang huwag nang maglaro.
Nakapasok ang 22-anyos na si Osaka sa semis ng torneo. Pero, hindi na nito hinabol ang pakinabang sa tournament.
“I don’t expect anything drastic to happen with me not playing, but if I can get a conversation started in a majority white sport, I consider that a step in the right direction,” turan ni Osaka sa kanyang Twitter account.
“Watching the continued genocide of Black people at the hand of the police is honestly making me sick to my stomach,” ani ng 2-time tennis major winner at half- Haitian-Japanese player.
Bukod sa tennis community, puspusan din ang kampanya ng ilang sports events sa protesta. Kabilang rito ang baseball, soccer at basketball.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!