PORMAL nang nagbitiw sa puwesto si Japan Prime Minister Shinzo Abe dahil sa problema sa kanyang kalusugan.
“Even though there is one year to go in my tenure and there are challenges to be met, I have decided to stand down as prime minister,” saad ni Abe sa isang press conference sa Tokyo ngayong araw.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga mamamayan ng Japan dahil hindi niya natupad ang kanyang tungkulin habang may coronavirus pandemic.
Si Abe ang tinuturing na pinakamatagal na nanungkulang Japanese Prime Minister, kung saan una itong naluklok noong 2007, ngunit kaagad ding nagbitiw dahil sa sakit na colitis, isang non-curable inflammatory bowel disease.
“For almost eight years I controlled my chronic disease, however, this year in June I had a regular check-up and there was a sign of the disease,” dagdag pa niya.
“I made a judgment that I should not continue my job as prime minister” saad ni Abe.
“I need to fight the disease and need to be treated.”
Kamakailan nang maging sentro ng mga ispekulasyon ang kalusugan ni Abe buhat nang sumailalim ito sa pagsusuri sa Keio University Hospital sa Tokyo noong Agosto 14, at kalaunan ay bumalik para sa follow-up exam nitong Lunes.
Si Abe ay kilalang alyado ng Pilipinas, na dati nang pumunta sa bansa noong 2013 at 2017, kung saan dumalaw pa ito sa tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA