December 26, 2024

JAPANESE ENVOY SA KABATAANG PINOY: MAG-ARAL NG NIHONGO

Bukod sa kultura, dapat ding pag-aralan ng mga kabataang Pinoy ang wikang Nihongo na magbibigay sa kanila ng kalamangan kapag nag-apply sila ng scholarship at trabaho sa Japan, ayon kay Ambassador Kuzuhiko Koshikawa.

Sa kanyang talumpati sa Nihongo Fiesta 2023, sinabi ng envoy sa mahigit isang daan Filipino Nihongo learners na mayroon din silang potensiyal na paglapitin ang dalawang bansa sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika ng Japan.

 “Being able to communicate in Japanese makes you stand out and gives you a competitive edge when applying for Japanese jobs and scholarships. It can also break cultural barriers and allows you to establish meaningful connections and friendships with Japanese people and fellow Nihongo learners,” saad niya. “I encourage you to continue to study the Japanese language. It may be difficult, but I believe that the rewards make the effort worthwhile,” dagdag pa nito.

Kada taon, nag-aalok ang Japan ng iba’t ibang scholarship at teaching exchange programs sa mga Filipino.