Idineklara ng Malacañang ang Enero 9 bilang special non-working day sa Siyudad ng Manila para sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Batay sa Proclamation No. 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, “The holiday would give devotees in Manila full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration.”
Ngayong taon, ang pagbabalik ng grand procession ng 400-anyos na imahe ng Itim na Nazareno o Traslacion matapos ang 3 years break dahil sa COVID-19.
Ayon sa mga awtoridad, 16,000 pulis ang ikakalat sa susunod na linggo para sa nasabing pista, habang ipapatupad ang “no fly zone” policy sa buong siyudad.
Hinimok din ng lokal na pamahalaan ang mga deboto na magsuot ng facemask sa pista para maiwasan ang posibleng pagdami ng kaso ng COVID-19. TOMAS BARROT
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON