
TALAGANG may isang salita itong si Janella Salvador, kahit pa nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay hindi niya ito iniwan.
Talagang loyal siya sa kanyang TV network, hanggang magkaroon na siya ng anak ay hindi niya iniwan ang Kapamilya TV network.
“Sa ABS-CBN ako talaga lumaki, kung baga sa hirap at ginhawa mananatiling loyal ako sa kanila.
“Kaya nga laki ng pasasalamat ko dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin iyong tiwala nila sa akin, kahit marami ng nagsulputang mga baguhan ay pinili pa rin nila ako.
“Kahit dumating iyong mga pagsubok, nanatili akong loyal sa kanila. At never kong naisip na iwan sila o mag-over de bakod ako sa ibang TV network. Kaya nga ng pumirma ako ng kontrata sa kanila, ay laki ng aking pasasalamat dahil hanggang ngayon ay malaki pa rin ang tiwala nila sa akin,” kwento pa ni Janella Salvador.
More Stories
76-ANYOS NA AMERIKANO NA ILANG LINGGONG TUMIRA SA NAIA, NAKALIPAD NA PATUNGONG THAILAND
Baron Geisler pinalaya matapos magbayad ng multa (Nalasing, nagwala)
P5-M ILL-GOTTEN WEALTH CASE NG MGA MARCOS IBINASURA