
Pinahiya ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine 113-107 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo si Jamie Malonzo na nagtala ng 32 points, walong rebounds, apat na blocks, tatlong assists at dalawang steals.
Itinuturing na ito ang pagbawi ni Malonzo matapos na masangkot siya sa kaguluhan sa isang restaurant laban sa isang mixed martial arts fighter.
Nagdagdag din ng 18 points, siyam na rebounds at siyam na assists si Maverick Ahanmisi na siyang humalili habang wala si Scotie Thompson na hindi naglaro dahil sa pananakit sa likod.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC