Bagama’t impresibo ang naging performance ng Houston Rockets sa 2019-2020 NBA season, pumalya naman sila sa playoffs.
Naglaglag sa semis ng NBA bubble playoffs ang Rockets sa kamay ng Los Angles Lakers, 4-1 series.
Nagkandaloko ang sistema ng Houston dahil sa failure. BUmaklas sa pagiging head coach si Mike ‘D Antoni. Bumitaw din si Daryl Morey bilang GM ng team.
Para magtagumpay ang team, sinasabi ng analyst na dapat i-trade si James Harden. Ito raw ang plano ng team.
Ayon kay Jonathan Feigen ng Houston Chronicle, kailangang i-trade ng Rockets si Harden habang matikas pa ito. Hindi aniya uubra ang estilo nito sa team.
“The blow it up and start over thing is not for this offseason. And the reason I feel fairly certain about that is they’re certainly keeping James Harden informed and getting his input on coaching, discussions and considerations. You wouldn’t involve him if you’re planning to send them off somewhere,” aniya.
Aniya, nais nina Harden at Russell Westbrook na maging head coach ng team si John Lucas. Isa aniya ito sa finalists.
“The Rockets were the four seed and on a 50-win pace in the West last season, led by the best pure bucket getter in the game in Harden.”
“That’s a good team. It is a fantasy basketball move to say, “blow that up and let’s win 21 games and suck,” ani Feigen.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!