![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/07/A-Harden-1024x576.jpg)
Inaresto si James Harden na player ng Brooklyn Nets ng French police sa Paris, France. Ito’y matapos arestuhin ang rapper na Dominique Armani Jones o kilala bilang si Lil Baby.
Magkasama ang dalawa sa kotse at may nagreport na nangangamoy marijuana ito. Kaya, pinababa sila ng mga pulis.
Isang lalaki ang kumuha ng video footage ng pag-aresto sa Nets star guard. Makikita sa video na kinakapkapan ng mga pulis ang tinaguriang ‘The Beard’.
Ang isinagawang pag-aresto ay bahagi ng narcotics investigation ng mga kapulisan doon. Gayunman, hindi siya ikinulong at agad ding pinakawalan.
Nasa Paris si Harden kasama ang ilang pamosong celebrities para sa pagdaraos ng Fashion Week doon.
More Stories
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Reyes ‘di sinanto ang mga kalaban sa 2025 Santa Maria Town Fiesta Chess Challenge
STRONG GROUP ATHLETICS HINDI LALARO SA BRONZE MATCH DAHIL SA NANGYARING LUTUAN?