Nasipa ni James De los Santos ang sixth gold medal ngayong 2021. Bumida si James sa Athlete’s e Tournament Series #1.
Ginapi nito sa semifinals ang pambato ng Malaysia. Tinalo niya naman sa finals si Alfredo Bustamante ng U.S.A.
Naghari rin siya sa Budva Winner Aria Cup #1 e tilt. Ginapi ni De los Santos sa semifinals si Amund Hillestad ng Norway, 25.3 -22.8, dahilan upang pumasok siya sa finals.
Dinaig ni James si American si Alfredo Bustamante, 24.9-24.6 sa finals. Nakarekta ng first roun bye si De los Santos sa naturang 5-man event. Na nagtuntong sa kanya sa outright semifinal berth.
Nagwagi rin ang mga estudyante niyang si Fatima Hamsain sa female under-16 category. Nakasipa ng gold si Fatima nang daigin si Jelizaveta Vasiljeva ng Latvia sa finals, 24-23.4.
Nakasampa rin sa finals si Christine Colonia sa female under-18 category. Ngunit, natalo ito kay Lea Gomolka ng Germany, 23-22.7 sa finals.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2