Muling nagningning sa E-Karate World Series si James De Los Santos. Nakasungkit ng gold medal sa Male Shotokan Division.
Dinaig ni James sa semifinals ang pambato ng Spain. Tinalo naman nito ang pambato ng Switzerland na si Biel Bienne sa final round.
Dahil sa panalo, ang nasipang ginto ay pangatlo na ni De Los Santos ngayong 2021. Masaya din si James dahil sa nanalo rin ang kanyang kata students sa MKKPI.
Nakasipa ng tatlong gold medal si Fatima- A- Isha Lim Hamsain. Nagningning sa U16 at U18 women’s eKata division. Gayundin sa U15 women’s eKumite.
Nagwagi naman ng silver si Christina Colonia sa U18 women’s eKata division.Kaya naman, Malaki ang pasasalamat ni James sa Panginoong Diyos dahil sa ibinigay na oportunidad.
Pinasalamatan din niya ang kanyang mga sponsors.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT